Add parallel Print Page Options

18 Sapagka't ang mga gayon ay hindi nagsisipaglingkod sa Cristong Panginoon, kundi (A)sa kanilang sariling tiyan; at sa pamamagitan ng kanilang mabuting pananalita at maiinam na mga talumpati ay dinadaya ang mga puso ng mga walang malay.

19 Sapagka't ang (B)inyong pagtalima ay naging bantog sa lahat ng mga tao. Kaya't nagagalak ako tungkol sa inyo: datapuwa't ibig ko (C)na kayo'y maging marunong sa kabutihan, at musmos sa kasamaan.

20 At si Satanas ay dudurugin ng Dios (D)ng kapayapaan sa madaling panahon sa ilalim ng inyong mga paa. (E)Ang biyaya nawa ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo.

Read full chapter